#AmpalayaMonologues

Rain Gutierez performing “Sa pagitan ng Tayo ba o Hindi na”

Sa panahon ngayon, ang tula ay may #feels at lumalagpas sa pahina patungo sa entablado. Binigyan ng bagong bihis at bagong sigla ng mga spoken word artists o makabagong makata ang panitikan at tula. Nagkaroon ng bagong paraan ng ekspresyon ang mga makatang lagi na lang yatang sawi sa pag-ibig.

Noong nakaraang biyernes, nagulat ako (in a good way) ng malamang nag-imbita ng mga spoken word artists ang Domuschola International School (ang school na pinagtuturuan ko). Ito ay upang makilala ng mga estudyante ang sining na ito.

Sanay akong sikat ang spoken word sa mga kolehiyala/lo na madaming hugot sa pag-ibig. Pero nagulat ako na benta rin pala sa mga tweeners. Tatlo ang maaring dahilan kung bakit benta sa mga tweeners.

  1. Peg talaga nila ang art form.
  2. Guwapoh at prettey ang mga artists na sina Yves Gutierrez at Rain Gutierrez .  Yung reaksyon nila, kilig talaga iyon. (Sadyang mabilis na talaga ang pagdadalaga at pagbibinata ng mga bagets ngayon. Dapat na tayong unti-unting masanay.)
  3. Marami na rin silang hugot sa buhay.

Sino ba ang nagsabing tegi na ang sining at panitikan? Nanatiling buhay ito, hanggang may mga taong patuloy na naghahanap ng paraan upang masabi ang mga damdamin at drama sa buhay.

Incidentally, ang Theater in Alternative Platforms (TAP) na siyang nagpeperform ng mga #AmpalayaMonologues ay magkakaroon ng one-night anniversary event sa Oct. 15. Para sa mga naghahanap ng kakampi sa buhay na puno ng mga ampalayang kaganapan, go na sa PETA theater, P500 ang tiket (detalye dito!)

PS Hindi ako konektado sa kanila at hindi rin nila ako kilala (yata). Natuwa lang ako dahil natuwa sa kanila ang mga estudyante. Support them if you’re into this kind of gig! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s