Apat na dapat gawin kapag sasali sa mga Writing Contests

creative-writing-contest
(c) authormingle.com

Tulad ko, pwedeng napagdesisyunan mo ring sumali sa mga writing contests. May dalawang wagas na perks na maaring matanggap kapag sumali sa mga paligsahan at ikaw ang pinalad na manalo.

1. Premyo. Kadalasan, ang mga premyo na maari mong mapanalunan ay Php10,000-100,000.

  1. Pagkakataon. Para sa mga nais na gawing karera ang pagsusulat, ang pagkapanalo ang maaring maging pagkakataon upang makapasok sa mundo ng publishing. Iba pa rin kasi kapag nakalusot ang istorya mo sa mga mapanuring mga mata ng mga eksperto. Madali kang pagkatiwalaan ng mga publishers at ng mga readers dahil de-kalidad ang istorya mo. O ito kasi ang impresyon kapag nanalo ang mga istorya o akda sa mga writing contests.

Pero, tandaan na isa sa pinakamalaking disadvantage ng pagsali sa mga contest ay yung mga panuntunan nilang kailangang sundin. Baka nais nilang ilipat mo ang copyright mo sa sponsors o organisasyon na nag-organisa ng kontest. Pwedeng ang pagkakalipat ng copyright ay sa loob lamang ng ilang taon pero pwede ring pangmatagalan.

Ang copyright ay ang karapatan ng author na kumita mula sa kanyang akda sa pamamagitan ng pagbebenta sa mga ito, pagsasapelikula, o paglikha ng mga gamit na hango sa istorya nito, atpb. Basahin ng maigi ang mga tuntunin ng kontest upang malaman kung ano ang maaring isakripisyo sa pagsali sa kontest.

Kung sa kabila nito ay nagdesisyon ka pa ring sumali, narito ang apat na dapat  mong gawin:

1. Isulat ang akda o istorya base sa panuntunan ng kontest

argumentative-essay-writing1

May iba’t ibang porma, uri, o tema na hinihingi ang bawat writing contests. Pwedeng kwentong romansa, katatakutan, kababalaghan o katatawanan ang hingiin nila kaya iyon dapat ang ibigay mo. Basahin ng maigi upang tiyak na makapapasa ang iyong mga gawa.

Maliban dito, bigyang atensyon din kahit ang mga maliit na panuntunan tulad ng kung anong fonts ang dapat gawin, ilang salita o pahina lamang dapat na isulat, o kung ilang kopya ang dapat iprint at ipadala. Importante ding pag-ukulan ng pansin ang deadline ng kontest. Isulat mo na agad ito sa journal mo para hindi mo makalimutan.

2. Maglagay ng Certificate of Originality

(c) sonic.wikia.com
(c) sonic.wikia.com

Ang Certificate of Originality ay ang dokumento na magpapatunay na ikaw ang may likha ng kuwento at hindi mo ito kinopya sa ibang tao o akda. Kapag kinopya mo ng walang attribution, plagiarism o pagnanakaw na iyan. Labag iyan sa batas. Pipirmahan mo ang Certificate of Originality kaya nakataya ang pangalan mo.

Ito ang kopya ng Certificate of Originality na pwede mong gayahin:

CERTIFICATE OF ORIGINALITY

This is to certify that I am responsible for the works submitted in _____________ entitled __________________, that the original work is my own, and it has not been submitted or published in any other institution or publishing houses.

NAME

DATE

3. Ipanotaryo ang iyong akda

(c) svcnotary.com
(c) svcnotary.com

Kailangan ding ipanotaryo ang iyong akda. Ang pagpapanotaryo ay magpapatunay sa mga nagpapatakbo ng kontest na handa kang sumumpa sa ilalim ng batas na ikaw ang lumikha ng akda. Ito rin ang magpoprotekto sa karapatan mo bilang may-akda sakali mang magkaroon ng dispute sa hinaharap.

Madali namang magpanotary sa mga Notary Public. Ang halaga ng pagpapanotaryo ay Php50-250 pesos. Siyempre, piliin mo ang mas murang pagpapanotaryo.

4. Ipadala ang akda

(c) cartoonstock.com
(c) cartoonstock.com

Pagkatapos na maihanda ang mga dokumento, alamin kung saan maaring magpadala. May mga kontests na pwedeng isubmit via e-mail. Siguraduhing naka-PDF ang file (para hindi mabago ng ibang tao ang laman) bago mo ipadala ang akda mo.

Subalit may mga kontest pa rin na nais na ipadala ang dokumento sa mismong tanggapan nila.

Siguraduhing may sapat na oras kapag naghatid ng dokumento sa kanilang opisina. Matrapik kasi sa Manila at baka abutin ka ng isang araw sa paghahatid lang ng dokumento. Kung ayaw mo nito, maari din namang magpadala via LBC pero gagastos ka ng mga halagang P150-2,000, depende sa kapal ng dokumento.

Ngayong naipadala mo na, nawa ay ang akda mo ang magwagi!

Subalit kung hindi naman, tandaang laging may dahilan ang mga bagay-bagay. Baka hindi lang talaga iyon para sa iyo. Baka naman hindi ka pa handa kasi chaka pa ang pagkakasulat mo. Kaya sumulat ka pa, hanggang sa tuluyang mahasa ang iyong galing. Tandaan na minsan ang paglalakbay ay kasing-halaga ng destinasyon.

Maligayang pagsusulat!


Kung may tanong po kayo tungkol sa pagsusulat, tanong lang sa ibaba. 🙂 Susubukan kong sagutin ang mga tanong ninyo.