Paano mag-apply ng copyright protection?

copyright

Disclaimer: Apologies to my international readers. Since my experience pertains to the application of copyright protection in the Philippines, I am going to write in my native tongue, Filipino.

So, nakapagsulat ka ng isang amazing na libro at nais mong subukan ang indie publishing na tulad ko. Sa oras pa lang na matapos mo iyan, awtomatiko mo nang hawak ang copyright ng akda. Protektado ang karapatan mo sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines at amendment nito.

Bilang manlilikha, ikaw lang ang may karapatan na magbenta ng gawa mo, ipakita ang gawa o kumita mula sa mga “derivative works” o iyong mga translation o adaptations sa iba pang medyum nito.

Subalit, maaring mailipat sa iba ang iyong karapatan kapag pumirma ka ng kontrata na naglilipat ng iyong copyright o karapatang-ari sa ibang tao o ibang institusyon.

Naganap na rin ito sa akin at medyo masakit sa dibdib na kapalit ng maliit na halaga ay binenta ko ang aking copyright at pinakawalan ang aking mga karakter at istorya. Sadly, sa kabila ng ako ang lumikha ng nobela, dahil naibenta ko ang aking copyright, hindi na ako kumikita sa akdang iyon. Ang tanging kunswelo ko na lamang ay nabasa ang aking akda at naumpisahan ang aking writing career. Subalit, magmula sa araw na iyon, maingat na ako sa mga kontrata.

Kung awtomatiko naman palang nasa iyo ang copyright, bakit kailangan pang mag-apply ng copyright protection?

  1. Para mapagtibay ang proteksyon mo sa iyong karapatan bilang awtor ng akda. Sa indie publishing, papakawalan mo ang iyong akda sa napakalawak na mundo. Maigi ng may legal kang panghahawakan na ikaw nga ang awtor ng akda.
  2. Ang pagpasok sa indie publishing ay  pagpasok sa propesyonal na negosyo kaya’t dapat itong patakbuhin sa paraang propesyonal. May mga digital platform din na naghihingi muna ng katibayan na ikaw nga ang may hawak ng copyright (tulad ng Buqo) bago ka makapagpublish.

Paano mag-apply ng copyright protection sa Pilipinas?

Eto ang mga bagay na natutunan ko ng mag-aapply ako ng copyright protection ng Alona’s Quest for the Golden Tree. Irerelease ko ang libro (via FB Live notifications) sa November 19, 2016 [I hope to see you! Madali lang makisali dahil digital release at kahit nasaan ka, pwede kang makibahagi! :)]

affidavit

  •  Maghanda ng 2 kopya ng akda mo. Ang tip ko, ilay-out mo ang akda mo na single-spaced at 0.5 ang margin para hindi ka mapagastos sa pagpapaprint o hindi ka maubusan ng ink. Hindi rin kailangang iringbind ang mga akda. Pwede ng stapled ang mga ito o nakaclip basta magkakasama ang mga pages. Subalit kung may budget ka naman para sa magandang lay-out at ringbind, go ahead sapagkat nasasaiyo iyan.
  •  Pumunta sa National Library of the Philippines. Eto ang address nila:

Copyright Section
5/F East Wing, NLP Building,
T.M. Kalaw Avenue, Manila
Philippines

Kung magcocommute mula sa Cubao, sundan mo ang mga direksyon na ito:

i. Sumakay sa MRT papuntang Taft Station.

ii. Mula sa Taft, lumipat sa LRT2 EDSA. Bumaba sa UN Avenue Station.

iii. Mula sa UN Avenue, pumunta na sa National Library of the Philippines. Pagkababa sa tren, tumawid sa kalsada papunta sa side ng Greenwhich. Mula sa pwesto ng Greenwhich, maglakad pakanan at tumawid sa kalsada. Baybayin ang kalsada at lagpasan ang mga pwesto ng mga kumukuha ng requirements para sa mga gustong mag-seaman. Diretsuhin hangang malagpasan ang Jollibee. Tingin-tingin sa kanan mo para malaman kung nasa National Library of the Philippine ka na.

  • Pumasok sa loob ng building at magtanong kay manong guard kung saan ang copyright office. Walang fancy nameplate na copyright office kaya makinig sa ituturong direksyon ni manong guard. Nasa 2nd floor ito na may sliding door.

Ibigay mo ang requirements sa technical staff. The technical staff (at least the one na nag-asikaso sa akin),  is very precise, calm and efficient, will evaluate your requirements and will give you a voucher para sa payment sa copyright fee. Bababa ka sa cashier at magbabayad ng P200 pesos. Bibili ka rin pala ng documentary stamps na P36.

  • Ipakita sa technical staff ang official reciept na binayaran mo at bibigyan ka na nila ng claim stub kung saan nakalagay kung kailan pwede mo nang makuha ang iyong certificate. Of course, claim you certificate sa araw na indicated.

Yun lang ang steps. Very simple, di ba? 🙂

Kung may nais na itanong, comment lang sa ibaba and I will try to answer! If I cannot, Google will be our friend!

Advertisements